Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya, mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay. Aṭ-Ṭāriq 86:17 ⧉
Tafsīr:
Kaya mag-antabay ka, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na ito, mag-antabay ka sa kanila nang kaunti at huwag kang magmadali sa pagdurusa nila at pagpapahamak sa kanila.