Kaya magpaalaala ka [sa kanila, O Propeta Muḥammad]; ikaw ay isang tagapagpaalaala lamang. Al-Ghāshiyah 88:21 ⧉
Tafsīr:
Kaya mangaral ka, O Sugo, sa mga ito at magpangamba ka sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh. Ikaw ay isang tagapagpaalaala lamang; walang hinihiling sa iyo kundi ang pagpapaalaala sa kanila. Tungkol naman sa pagtutuon sa kanila sa pananampalataya, ito ay nasa kamay ni Allāh – tanging sa Kanya.