Kaya hinggil naman sa tao, kapag sumubok dito ang Panginoon nito saka nagparangal Siya rito at nagpaginhawa Siya rito, nagsasabi ito: “Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin.” Al-Fajr 89:15 ⧉
Tafsīr:
Kaya tungkol naman sa tao, bahagi ng kalikasan nito na kapag sumubok dito ang Panginoon nito, nagparangal Siya rito, at nagbiyaya Siya rito ng yaman, mga anak, at impluwensiya, ay nagpapalagay ito na iyon ay dahil sa isang karangalan para rito sa ganang kay Allāh kaya nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin dahil sa pagiging karapat-dapat ko sa pagpaparangal Niya."