Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 120 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 120 sa 129 • Tagalog


مَا كَانَ لِأَهْلِ الْمَدِينَةِ وَمَنْ حَوْلَهُمْ مِنَ الْأَعْرَابِ أَنْ يَتَخَلَّفُوا عَنْ رَسُولِ اللَّهِ وَلَا يَرْغَبُوا بِأَنْفُسِهِمْ عَنْ نَفْسِهِ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ لَا يُصِيبُهُمْ ظَمَأٌ وَلَا نَصَبٌ وَلَا مَخْمَصَةٌ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلَا يَطَئُونَ مَوْطِئًا يَغِيظُ الْكُفَّارَ وَلَا يَنَالُونَ مِنْ عَدُوٍّ نَيْلًا إِلَّا كُتِبَ لَهُمْ بِهِ عَمَلٌ صَالِحٌ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجْرَ الْمُحْسِنِينَ 120
Pagsasalin:
Hindi naging ukol sa mga naninirahan sa Madīnah at sinumang nasa palibot ng mga ito kabilang sa mga Arabeng disyerto na magpaiwan sila palayo sa Sugo ni Allāh ni magtangi sila sa mga sarili nila kaysa sa sarili niya. Iyon ay dahil sila ay hindi dinadapuan ng isang pagkauhaw ni ng isang pagkapagal ni ng isang pagkagutom dahil sa landas ni Allāh, hindi humahakbang ng isang hakbang na nagpapangitngit sa mga tagatangging sumampalataya, at hindi nagtatamo mula sa kaaway ng isang kapinsalaan malibang may itinala para sa kanila dahil doon na isang gawang maayos. Tunay na si Allāh ay hindi magwawala ng pabuya sa mga tagagawa ng maganda. At-Tawbah 9:120
Tafsīr:
Hindi ukol sa mga naninirahan sa Madīnah ni ukol sa sinumang nasa palibot nila kabilang sa mga naninirahan sa ilang na magpaiwan sila palayo sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kapag sumugod siya tungo sa pakikibaka sa pamamagitan ng sarili niya. Hindi ukol sa kanila na magmaramot ng mga sarili nila at mangalaga ng mga ito higit sa sarili niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Bagkus ang kinakailangan sa kanila ay magkaloob ng mga sarili nila sa halip ng sarili niya. Iyon ay dahil sila ay hindi dinadapuan ng isang uhaw ni ng isang pagod ni ng isang gutom dahil sa landas ni Allāh, hindi nanunuluyan sa isang pook na pumupukaw ang kairalan nila roon sa ngitngit ng mga tagatangging sumampalataya, at hindi dumaranas mula sa kaaway ng pagkapatay o pagkabihag o pagkasamsam ng ari-arian o pagkatalo malibang nagtala si Allāh para sa kanila dahil doon ng isang gantimpala sa isang gawang maayos na tatanggapin Niya mula sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi magwawala ng pabuya sa mga tagagawa ng maganda, bagkus magtutumbas Siya sa kanila niyon nang buo at magdaragdag Siya sa kanila roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 119 Susunod At-Tawbah • Talata 121