Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 123 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 123 sa 129 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قَاتِلُوا الَّذِينَ يَلُونَكُمْ مِنَ الْكُفَّارِ وَلْيَجِدُوا فِيكُمْ غِلْظَةً ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ 123
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, makipaglaban kayo sa mga nalalapit sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya [na kumakalaban sa inyo] at makatagpo sila sa inyo ng kabagsikan. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama sa mga tagapangilag magkasala. At-Tawbah 9:123
Tafsīr:
Nag-utos si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga mananampalataya ng pakikipaglaban sa mga kumakaratig sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya dahil sa isinasanhi ng mga ito na isang panganib sa mga mananampalataya dahilan sa kalapitan ng mga ito. Nag-utos Siya sa kanila, gayon din, na magpakita sila ng kalakasan at katindihan alang-alang sa pagpapangilabot sa mga ito at pagtutulak sa kasamaan ng mga ito. Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay kasama sa mga mananampalatayang tagapangilag magkasala sa pamamagitan ng tulong Niya at pag-alalay Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 122 Susunod At-Tawbah • Talata 124