Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 15 sa 129 • Tagalog


وَيُذْهِبْ غَيْظَ قُلُوبِهِمْ ۗ وَيَتُوبُ اللَّهُ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 15
Pagsasalin:
at mag-aalis Siya ng ngitngit sa mga puso nila. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong. At-Tawbah 9:15
Tafsīr:
Maglalayo Siya ng ngitngit sa mga puso ng mga lingkod Niyang mananampalataya dahil sa natamo nila na pagwawagi laban sa mga iyon. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga nagmamatigas na ito kung nagbalik-loob sila, gaya ng naganap sa ilan sa mga mamamayan ng Makkah sa Araw ng Pagsakop. Si Allāh ay Maalam sa katapatan ng nagbabalik-loob kabilang sa kanila, Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 14 Susunod At-Tawbah • Talata 16