Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 17 sa 129 • Tagalog


مَا كَانَ لِلْمُشْرِكِينَ أَنْ يَعْمُرُوا مَسَاجِدَ اللَّهِ شَاهِدِينَ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ بِالْكُفْرِ ۚ أُولَٰئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ وَفِي النَّارِ هُمْ خَالِدُونَ 17
Pagsasalin:
Hindi naging ukol sa mga tagapagtambal na magtaguyod sa mga masjid ni Allāh habang mga tagasaksi laban sa mga sarili nila sa kawalang-pananampalataya nila. Ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila, at sa Impiyerno sila ay mga mamamalagi. At-Tawbah 9:17
Tafsīr:
Hindi nararapat para sa mga tagapagtambal na magtaguyod sa mga masjid ni Allāh sa pamamagitan ng pagsamba at mga uri ng pagtalima samantalang sila ay mga umaamin sa mga sarili nila ng kawalang-pananampalataya sa pamamagitan ng inilalantad nila mula rito. Ang mga iyon ay nawalang-saysay ang mga gawa nila dahil sa pagkawala ng kundisyon sa pagtanggap sa mga ito, na pananampalataya. Sila, sa Araw ng Pagbangon, papasok sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman, maliban kung nagbalik-loob sila mula sa shirk bago ng kamatayan nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 16 Susunod At-Tawbah • Talata 18