Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 44 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 44 sa 129 • Tagalog


لَا يَسْتَأْذِنُكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ أَنْ يُجَاهِدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالْمُتَّقِينَ 44
Pagsasalin:
Hindi nagpapaalam sa iyo ang mga sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na makibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagapangilag magkasala. At-Tawbah 9:44
Tafsīr:
Hindi kabilang sa gawi ng mga mananampalataya kay Allāh at sa Araw ng Pagbangon ayon sa isang pananampalatayang tapat na humiling sila sa iyo, O Sugo, ng pahintulot sa pagpapaiwan sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Bagkus ang gawi nila ay na humayo sila [sa pakikibaka] kapag pinahayo mo sila at na makibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya na hindi nagpapaalam sa iyo malibang may mga kadahilanang pumipigil sa kanila sa pagsugod kasama sa iyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 43 Susunod At-Tawbah • Talata 45