Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 46 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 46 sa 129 • Tagalog


وَلَوْ أَرَادُوا الْخُرُوجَ لَأَعَدُّوا لَهُ عُدَّةً وَلَٰكِنْ كَرِهَ اللَّهُ انْبِعَاثَهُمْ فَثَبَّطَهُمْ وَقِيلَ اقْعُدُوا مَعَ الْقَاعِدِينَ 46
Pagsasalin:
Kung sakaling nagnais sila ng pagsugod ay talaga sanang naghanda sila para roon ng isang paghahanda, subalit nasuklam si Allāh sa pagkapadala sa kanila kaya nagpatamlay Siya sa kanila at sinabi: “Umupo kayo kasama sa mga nakaupo.” At-Tawbah 9:46
Tafsīr:
Kung sakaling sila ay naging mga tapat sa pag-aangkin na sila ay nagnanais ng pagsugod kasama sa iyo para sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh, talaga sanang naglaan sila para roon sa pamamagitan ng paghahanda ng kasangkapan, subalit namuhi si Allāh sa pagsugod nila kasama sa iyo kaya bumigat sa kanila ang pagsugod hanggang sa minagaling nila ang pananatili sa mga tahanan nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 45 Susunod At-Tawbah • Talata 47