Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 68 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 68 sa 129 • Tagalog


وَعَدَ اللَّهُ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْكُفَّارَ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ هِيَ حَسْبُهُمْ ۚ وَلَعَنَهُمُ اللَّهُ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُقِيمٌ 68
Pagsasalin:
Nangako si Allāh sa mga lalaking mapagpaimbabaw, mga babaing mapagpaimbabaw, at mga tagatangging sumampalataya ng Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ito ay kasapatan sa kanila. Isinumpa sila ni Allāh. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mananatili. At-Tawbah 9:68
Tafsīr:
Nangako si Allāh sa mga mapagpaimbabaw at mga tagatangging sumampalataya na hindi nagbalik-loob na magpapasok Siya sa kanila sa Apoy ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Ito ay sasapat sa kanila bilang parusa. Itinaboy sila ni Allāh mula sa awa Niya. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang nagpapatuloy.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 67 Susunod At-Tawbah • Talata 69