Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 72 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 72 sa 129 • Tagalog


وَعَدَ اللَّهُ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا وَمَسَاكِنَ طَيِّبَةً فِي جَنَّاتِ عَدْنٍ ۚ وَرِضْوَانٌ مِنَ اللَّهِ أَكْبَرُ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ 72
Pagsasalin:
Nangako si Allāh sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito at ng mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. May isang pagkalugod mula kay Allāh na higit na malaki. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. At-Tawbah 9:72
Tafsīr:
Nangako si Allāh sa mga lalaking mananampalataya sa Kanya at mga babaing mananampalataya sa Kanya na magpapasok Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito nang palagian. Hindi sila mamamatay sa mga ito at hindi mapuputol ang kaginhawahan nila. Nangako Siya sa kanila na magpapasok Siya sa kanila sa mga tahanang maganda sa mga hardin ng pananatili. May pagkalugod na padadapuin ni Allāh sa kanila na higit na malaki kaysa roon sa kabuuan niyon. Ang ganting nabanggit na iyon ay ang pagkatamong sukdulan na hindi natutumbasan ng [anumang] pagkatamo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 71 Susunod At-Tawbah • Talata 73