Kaya magsitawa sila nang kaunti at magsiiyak sila nang marami bilang ganti sa dati nilang nakakamit [na kawalang-pananampalataya]. At-Tawbah 9:82 ⧉
Tafsīr:
Kaya magsitawa ang mga mapagpaimbabaw, na nagpapaiwan na ito palayo sa pakikibaka, nang kaunti sa buhay nila sa Mundo na maglalaho at magsiiyak sila nang marami sa buhay nila sa Kabilang-buhay na mananatili bilang ganti sa dati nilang nakamit na kawalang-pananampalataya, mga pagsuway, at mga kasalanan sa Mundo.