Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya at nagtagubilinan ng pagtitiis at nagtagubilinan ng pagkaawa. Al-Balad 90:17 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya kay Allāh; nagtagubilin sa isa't isa sa kanila ng pagtitiis sa mga pagtalima, paglayo sa mga pagsuway, at sa pagsubok; at nagtagubilin sa isa't isa sa kanila ng pagkaawa sa mga lingkod ni Allāh.