tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari. Al-Layl 92:4 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang gawain ninyo, O mga tao, ay talagang nagkakaiba-iba sapagkat kabilang dito ang mga magandang gawa, na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Hardin, at ang mga masagwang gawa na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Apoy.