Ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan [na mga Hudyo at mga Kristiyano] at mga tagapagtambal ay hindi naging mga kumakalas [sa kawalang-pananampalataya] hanggang sa pumunta sa kanila ang malinaw na patunay: Al-Bayyinah 98:1 ⧉
Tafsīr:
Ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano at mga tagapagtambal ay hindi naging mga humihiwalay sa pagkakasundo nila at pagkakaisa nila sa kawalang-pananampalataya hanggang sa may pumunta sa kanila na patotoong maliwanag at katwirang hayag: