Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Bayyinah — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Al-Bayyinah • Talata 8 sa 8 • Tagalog


جَزَاؤُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ ۚ ذَٰلِكَ لِمَنْ خَشِيَ رَبَّهُ 8
Pagsasalin:
Ang ganti sa kanila sa ganang Panginoon nila ay mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Iyon ay ukol sa sinumang natakot sa Panginoon niya. Al-Bayyinah 98:8
Tafsīr:
Ang gantimpala sa kanila sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay mga Hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punung-kahoy ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila dahil sumampalataya sila sa Kanya at tumalima sila sa Kanya, at nalugod sila sa Kanya dahil sa natamo nila na awa Niya. Ang awang ito ay natatamo ng sinumang nangamba sa Panginoon niya saka sumunod sa ipinag-uutos Niya at umiwas sa sinasaway Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Bayyinah • Talata 7 Susunod Az-Zalzalah • Talata 1