Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 100)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 100

وَمَا كَانَ لِنَفْسٍ أَنْ تُؤْمِنَ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَيَجْعَلُ الرِّجْسَ عَلَى الَّذِينَ لَا يَعْقِلُونَ 100 ١٠٠

Hindi naging ukol sa isang kaluluwa na sumampalataya ito malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Naglalagay Siya ng karumihan sa mga hindi nakapag-uunawa. (100)

Tafsīr
Hindi nararapat para sa isang kaluluwa na manampalataya ito mula sa pagkukusa ng sarili nito malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Kaya walang nagaganap na pananampalataya malibang ayon sa kalooban Niya, kaya huwag mapahamak ang sarili mo dala ng mga panghihinayang sa kanila. Naglalagay si Allāh ng pagdurusa at kahihiyan sa mga hindi nakatatalos buhat sa Kanya ng mga katwiran Niya, mga ipinag-uutos Niya, at mga sinasaway Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba