Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 100 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 100 sa 109 • Tagalog


وَمَا كَانَ لِنَفْسٍ أَنْ تُؤْمِنَ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَيَجْعَلُ الرِّجْسَ عَلَى الَّذِينَ لَا يَعْقِلُونَ 100
Pagsasalin:
Hindi naging ukol sa isang kaluluwa na sumampalataya ito malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Naglalagay Siya ng karumihan sa mga hindi nakapag-uunawa. Yūnus 10:100
Tafsīr:
Hindi nararapat para sa isang kaluluwa na manampalataya ito mula sa pagkukusa ng sarili nito malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Kaya walang nagaganap na pananampalataya malibang ayon sa kalooban Niya, kaya huwag mapahamak ang sarili mo dala ng mga panghihinayang sa kanila. Naglalagay si Allāh ng pagdurusa at kahihiyan sa mga hindi nakatatalos buhat sa Kanya ng mga katwiran Niya, mga ipinag-uutos Niya, at mga sinasaway Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 99 Susunod Yūnus • Talata 101