Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay talaga sanang sumampalataya ang sinumang nasa lupa sa kabuuan nila nang lahatan. Kaya ikaw ba ay mamimilit sa mga tao hanggang sa sila ay maging mga mananampalataya? Yūnus 10:99 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, O Sugo, ang pagsampalataya ng lahat ng sinumang nasa lupa ay talaga sanang sumampalataya sila, subalit hindi Niya niloob iyon dahil sa isang kasanhian. Siya ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya ayon sa kagandahang-loob Niya. Kaya hindi sa kakayahan mo ang pagpipilit sa mga tao na sila ay maging mga mananampalataya sapagkat ang pagtutuon sa kanila sa pananampalataya ay nasa kamay ni Allāh lamang.