Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 98 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 98 sa 109 • Tagalog


فَلَوْلَا كَانَتْ قَرْيَةٌ آمَنَتْ فَنَفَعَهَا إِيمَانُهَا إِلَّا قَوْمَ يُونُسَ لَمَّا آمَنُوا كَشَفْنَا عَنْهُمْ عَذَابَ الْخِزْيِ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَمَتَّعْنَاهُمْ إِلَىٰ حِينٍ 98
Pagsasalin:
Kaya bakit kasi walang pamayanang sumampalataya kaya nagpakinabang dito ang pananampalataya nito maliban sa mga tao ni Jonas. Noong sumampalataya sila ay nag-alis Kami sa kanila ng pagdurusa ng kahihiyan sa buhay na pangmundo at nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa isang panahon. Yūnus 10:98
Tafsīr:
Hindi nangyari na may sumampalatayang isang pamayanan kabilang sa mga pamayanan, na nagpadala Kami sa mga iyon ng mga sugo Namin, ayon sa isang makabuluhang pananampalataya bago mapagmasdan ang pagdurusa. Kaya nagpakinabang dito ang pananampalataya nito dahil sa pagdating ng pananampalataya bago mapagmasdan iyon, maliban sa mga tao ni Jonas. Nang sumampalataya sila nang pananampalatayang tapat ay nag-angat Kami palayo sa kanila ng pagdurusa ng kaabahan at pagkahamak sa buhay na pangmundo at nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa oras ng pagwawakas ng mga taning nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 97 Susunod Yūnus • Talata 99