Sabihin mo: “Tumingin kayo kung ano ang nasa mga langit at lupa.” Hindi nagdudulot ang mga tanda at ang mga mapagbabala sa mga taong hindi sumasampalataya. Yūnus 10:101 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na humihiling sa iyo ng mga tanda: "Magnilay-nilay kayo kung ano ang nasa mga langit at lupa na mga tanda na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh at kakayahan Niya." Hindi nagpapakinabang ang pagpapababa ng mga tanda, mga katwiran, at mga sugo sa mga taong walang kahandaan na sumampalataya dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya."