Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 104)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 104

قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنْ كُنْتُمْ فِي شَكٍّ مِنْ دِينِي فَلَا أَعْبُدُ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِنْ أَعْبُدُ اللَّهَ الَّذِي يَتَوَفَّاكُمْ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ 104 ١٠٤

Sabihin mo: “O mga tao, kung kayo ay nasa isang pagdududa hinggil sa Relihiyon ko, hindi ako sumasamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, subalit sumasamba ako kay Allāh na nagpapapanaw sa inyo. Inutusan ako na ako ay maging una sa mga mananampalataya.” (104)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, kung kayo ay nasa isang pagdududa sa Relihiyon ko na nag-aanyaya ako tungo rito, ang Relihiyon ng Tawḥīd, ako naman ay nasa isang katiyakan sa katiwalian ng relihiyon ninyo kaya hindi ako sumusunod diyan kaya hindi ako sumasamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, subalit ako ay sumasamba kay Allāh na nagbibigay-kamatayan sa inyo. Nag-utos Siya sa akin na ako ay maging una sa mga mananampalataya, na mga nagpapakawagas sa Kanya sa Relihiyon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba