Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 104 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 104 sa 109 • Tagalog


قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنْ كُنْتُمْ فِي شَكٍّ مِنْ دِينِي فَلَا أَعْبُدُ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِنْ أَعْبُدُ اللَّهَ الَّذِي يَتَوَفَّاكُمْ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ 104
Pagsasalin:
Sabihin mo: “O mga tao, kung kayo ay nasa isang pagdududa hinggil sa Relihiyon ko, hindi ako sumasamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, subalit sumasamba ako kay Allāh na nagpapapanaw sa inyo. Inutusan ako na ako ay maging una sa mga mananampalataya.” Yūnus 10:104
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, kung kayo ay nasa isang pagdududa sa Relihiyon ko na nag-aanyaya ako tungo rito, ang Relihiyon ng Tawḥīd, ako naman ay nasa isang katiyakan sa katiwalian ng relihiyon ninyo kaya hindi ako sumusunod diyan kaya hindi ako sumasamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, subalit ako ay sumasamba kay Allāh na nagbibigay-kamatayan sa inyo. Nag-utos Siya sa akin na ako ay maging una sa mga mananampalataya, na mga nagpapakawagas sa Kanya sa Relihiyon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 103 Susunod Yūnus • Talata 105