Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 103 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 103 sa 109 • Tagalog


ثُمَّ نُنَجِّي رُسُلَنَا وَالَّذِينَ آمَنُوا ۚ كَذَٰلِكَ حَقًّا عَلَيْنَا نُنْجِ الْمُؤْمِنِينَ 103
Pagsasalin:
Pagkatapos magliligtas Kami sa mga sugo Namin at sa mga sumampalataya. Gayon bilang tungkulin sa Amin na paliligtasin Namin ang mga mananampalataya. Yūnus 10:103
Tafsīr:
Pagkatapos magbababa Kami sa kanila ng parusa, magliligtas Kami sa mga sugo Namin at magliligtas Kami sa mga sumampalataya kasama sa kanila, kaya hindi tatama sa kanila ang tumama sa mga tao nila. Kung paanong pinaligtas Namin ang mga sugong iyon at ang mga mananampalataya kasama sa kanila, magliligtas Kami sa Sugo Namin at sa mga mananampalataya kasama sa kanya ayon sa isang pagliligtas na tungkuling pinagtibay sa Amin.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 102 Susunod Yūnus • Talata 104