Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 108)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 108

قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۖ وَمَا أَنَا عَلَيْكُمْ بِوَكِيلٍ 108 ١٠٨

Sabihin mo: “O mga tao, dumating nga sa inyo ang katotohanan mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa sarili niya; at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Ako sa inyo ay hindi isang pinananaligan.” (108)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, dumating nga sa inyo ang Qur'ān bilang isang pinababa mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang napatnubayan at sumampalataya rito, ang pakinabang niyon ay babalik sa kanya dahil si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pagtalima ng mga lingkod Niya; at ang sinumang naligaw, tunay na ang epekto ng pagkaligaw niya ay laban sa kanya lamang sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng pagsuway ng mga lingkod Niya. Hindi ako sa inyo isang mapag-ingat na nag-iingat sa mga gawa ninyo at magtutuos sa inyo sa mga ito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba