Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 108 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 108 sa 109 • Tagalog


قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۖ وَمَا أَنَا عَلَيْكُمْ بِوَكِيلٍ 108
Pagsasalin:
Sabihin mo: “O mga tao, dumating nga sa inyo ang katotohanan mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa sarili niya; at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Ako sa inyo ay hindi isang pinananaligan.” Yūnus 10:108
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, dumating nga sa inyo ang Qur'ān bilang isang pinababa mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang napatnubayan at sumampalataya rito, ang pakinabang niyon ay babalik sa kanya dahil si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pagtalima ng mga lingkod Niya; at ang sinumang naligaw, tunay na ang epekto ng pagkaligaw niya ay laban sa kanya lamang sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng pagsuway ng mga lingkod Niya. Hindi ako sa inyo isang mapag-ingat na nag-iingat sa mga gawa ninyo at magtutuos sa inyo sa mga ito."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 107 Susunod Yūnus • Talata 109