Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 107 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 107 sa 109 • Tagalog


وَإِنْ يَمْسَسْكَ اللَّهُ بِضُرٍّ فَلَا كَاشِفَ لَهُ إِلَّا هُوَ ۖ وَإِنْ يُرِدْكَ بِخَيْرٍ فَلَا رَادَّ لِفَضْلِهِ ۚ يُصِيبُ بِهِ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۚ وَهُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ 107
Pagsasalin:
Kung sasaling sa iyo si Allāh ng isang kapinsalaan ay walang tagapawi nito kundi Siya. Kung magnanais Siya sa iyo ng isang kabutihan ay walang tagatulak sa kabutihang-loob Niya. Nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain. Yūnus 10:107
Tafsīr:
Kung magpapatama sa iyo si Allāh, O Sugo, ng isang pagsubok at humiling ka ng pagpapalihis nito palayo sa iyo ay walang tagapagpalihis nito kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya. Kung magnanais Siya sa iyo ng isang kariwasaan ay walang isang makapipigil sa kabutihang-loob Niya. Nagpapatama Siya ng kabutihang-loob Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya. Siya ay ang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa Kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 106 Susunod Yūnus • Talata 108