Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 12

وَإِذَا مَسَّ الْإِنْسَانَ الضُّرُّ دَعَانَا لِجَنْبِهِ أَوْ قَاعِدًا أَوْ قَائِمًا فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُ ضُرَّهُ مَرَّ كَأَنْ لَمْ يَدْعُنَا إِلَىٰ ضُرٍّ مَسَّهُ ۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلْمُسْرِفِينَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ 12 ١٢

Kapag sumaling sa tao ang kapinsalaan ay dumadalangin siya sa Amin [habang nakahiga] sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo. Ngunit noong pumawi Kami sa kanya ng kapinsalaan sa kanya ay nagpatuloy siya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin [ng pagpawi] sa kapinsalaang sumaling sa kanya. Ganyan ipinaakit para sa mga nagpapakalabis ang dati nilang ginagawa. (12)

Tafsīr
Kapag tumama sa taong tagapagmalabis sa sarili niya ang isang karamdaman o ang isang kasagwaan ng kalagayan ay dumadalangin siya sa Amin habang nagpapakaabang nagsusumamo habang nakahiga sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo, sa pag-asang maalis ang taglay niyang kapinsalaan. Ngunit noong tumugon Kami sa panalangin niya at nag-alis Kami sa taglay niyang kapinsalaan ay nagpatuloy siya sa kung ano ang dating nasa kanya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin ng pagpawi sa kapinsalaang tumama sa kanya. Kung paanong ipinaakit para sa umaayaw na ito ang pagpapatuloy sa pagkaligaw niya, ipinaakit sa mga lumalampas sa mga hangganan dahil sa kawalang-pananampalataya nila ang dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kaya hindi sila nag-iiwan nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba