Kapag sumaling sa tao ang kapinsalaan ay dumadalangin siya sa Amin [habang nakahiga] sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo. Ngunit noong pumawi Kami sa kanya ng kapinsalaan sa kanya ay nagpatuloy siya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin [ng pagpawi] sa kapinsalaang sumaling sa kanya. Ganyan ipinaakit para sa mga nagpapakalabis ang dati nilang ginagawa. Yūnus 10:12 ⧉
Tafsīr:
Kapag tumama sa taong tagapagmalabis sa sarili niya ang isang karamdaman o ang isang kasagwaan ng kalagayan ay dumadalangin siya sa Amin habang nagpapakaabang nagsusumamo habang nakahiga sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo, sa pag-asang maalis ang taglay niyang kapinsalaan. Ngunit noong tumugon Kami sa panalangin niya at nag-alis Kami sa taglay niyang kapinsalaan ay nagpatuloy siya sa kung ano ang dating nasa kanya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin ng pagpawi sa kapinsalaang tumama sa kanya. Kung paanong ipinaakit para sa umaayaw na ito ang pagpapatuloy sa pagkaligaw niya, ipinaakit sa mga lumalampas sa mga hangganan dahil sa kawalang-pananampalataya nila ang dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kaya hindi sila nag-iiwan nito.