Kung sakaling ipamamadali ni Allāh para sa mga tao ang kasamaan gaya ng pagpapamadali sa kanila sa kabutihan ay talaga sanang winakasan sa kanila ang taning nila. Ngunit nagpapabaya Kami sa mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila. Yūnus 10:11 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling ipamamadali ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ang pagtugon sa panalangin ng mga tao ng kasamaan laban sa mga sarili nila, mga anak nila, at mga yaman nila sa sandali ng galit, tulad ng itinutugon Niya sa kanila sa panalangin nila ng kabutihan, talaga sanang napahamak sila. Subalit si Allāh ay nagpapalugit sa kanila kaya hinahayaan Niya ang mga hindi naghihintay sa pakikipagkita sa Kanya dahil sila ay hindi nangangamba sa isang parusa at hindi nag-aasam-asam ng isang gantimpala. Iniiwan Niya sila habang mga nag-aatubili, na mga nalilito, na mga nag-aalinlangan sa Araw ng Pagtutuos.