Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 18

وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمْ وَلَا يَنْفَعُهُمْ وَيَقُولُونَ هَٰؤُلَاءِ شُفَعَاؤُنَا عِنْدَ اللَّهِ ۚ قُلْ أَتُنَبِّئُونَ اللَّهَ بِمَا لَا يَعْلَمُ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ 18 ١٨

Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: “Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh.” Sabihin mo: “Nagbabalita ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa [na may katambal Siya]? Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.” (18)

Tafsīr
Sumasamba ang mga tagapagtambal ng iba pa kay Allāh sa mga diyos na inaakala, na hindi nagpapakinabang at hindi nakapipinsala, samantalang ang sinasambang ayon sa karapatan ay nagpapakinabang at nakapipinsala kapag niloob Niya. Nagsasabi sila tungkol sa mga sinasamba nila: "Ang mga ito ay mga tagapagpagitnang namamagitan para sa amin sa ganang kay Allāh para hindi Niya kami pagdusahin sa mga pagkakasala namin." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagpapabatid ba kayo kay Allāh, ang Maalam, na mayroon Siyang katambal at Siya ay hindi nakaaalam na mayroon Siyang katambal sa mga langit ni sa lupa? Pagkabanal-banal Siya at nagpakawalang-kaugnayan Siya sa anumang sinasabi ng mga tagapagtambal na kabulaanan at kasinungalingan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba