Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 18 sa 109 • Tagalog


وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمْ وَلَا يَنْفَعُهُمْ وَيَقُولُونَ هَٰؤُلَاءِ شُفَعَاؤُنَا عِنْدَ اللَّهِ ۚ قُلْ أَتُنَبِّئُونَ اللَّهَ بِمَا لَا يَعْلَمُ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ 18
Pagsasalin:
Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: “Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh.” Sabihin mo: “Nagbabalita ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa [na may katambal Siya]? Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.” Yūnus 10:18
Tafsīr:
Sumasamba ang mga tagapagtambal ng iba pa kay Allāh sa mga diyos na inaakala, na hindi nagpapakinabang at hindi nakapipinsala, samantalang ang sinasambang ayon sa karapatan ay nagpapakinabang at nakapipinsala kapag niloob Niya. Nagsasabi sila tungkol sa mga sinasamba nila: "Ang mga ito ay mga tagapagpagitnang namamagitan para sa amin sa ganang kay Allāh para hindi Niya kami pagdusahin sa mga pagkakasala namin." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagpapabatid ba kayo kay Allāh, ang Maalam, na mayroon Siyang katambal at Siya ay hindi nakaaalam na mayroon Siyang katambal sa mga langit ni sa lupa? Pagkabanal-banal Siya at nagpakawalang-kaugnayan Siya sa anumang sinasabi ng mga tagapagtambal na kabulaanan at kasinungalingan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 17 Susunod Yūnus • Talata 19