Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga salarin. Yūnus 10:17 ⧉
Tafsīr:
Kaya walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan kaya papaanong ukol sa akin na magpalit ako ng Qur'ān bilang isang paggawa-gawa laban sa Kanya? Ang punto ay na ang mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng paggawa-gawa laban sa Kanya ay hindi nagtatamo ng hinihiling nila.