Sabihin mo: “Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana ako bumigkas nito sa inyo at hindi sana Siya nagpaalam nito sa inyo sapagkat namalagi nga ako sa inyo nang tanang-buhay bago pa nito. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?” Yūnus 10:16 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi ko bumigkas ng Qur'ān sa inyo ay hindi sana ako bumigkas nito sa inyo at hindi sana ako nagpaabot nito sa inyo. Kung sakaling niloob Niya ay hindi Niya sana ipinaalam sa inyo ang Qur'ān ayon sa dila ko. Namalagi nga ako sa gitna ninyo nang isang mahabang panahon – apatnapung taon – na hindi ako nagbabasa, hindi ako nagsusulat, hindi ako humihiling ng kalagayang ito, at hindi ako naghahanap nito. Kaya hindi ba kayo nakatatalos sa pamamagitan ng mga isip ninyo na ang inihatid ko sa inyo ay mula sa ganang kay Allāh at walang kinalaman sa akin hinggil doon?"