Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 1)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 1

الر ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْحَكِيمِ 1 ١

Alif. Lām. Rā’. Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na marunong. (1)

Tafsīr
Alif. Lām. Rā’. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang binibigkas na ito sa kabanatang ito ay mga talata ng Qur'ān na tahasan, na hinusayan, na naglalaman ng karunungan at mga patakaran.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba