Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 20

وَيَقُولُونَ لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۖ فَقُلْ إِنَّمَا الْغَيْبُ لِلَّهِ فَانْتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُنْتَظِرِينَ 20 ٢٠

Nagsasabi sila: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Kaya sabihin mo: “Ang nakalingid ay ukol kay Allāh lamang kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay.” (20)

Tafsīr
Nagsasabi ang mga tagapagtambal: "Bakit kasi walang pinababa kay Muḥammad na isang tanda mula sa Panginoon niya, na nagpapatunay sa katapatan Niya?" Kaya sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang pagbaba ng mga tanda ay lingid na natatangi si Allāh sa kaalaman nito, kaya maghintay kayo ng iminungkahi ninyo na mga tandang pisikal; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay sa mga ito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba