Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 23

فَلَمَّا أَنْجَاهُمْ إِذَا هُمْ يَبْغُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ ۗ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّمَا بَغْيُكُمْ عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ ۖ مَتَاعَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ ثُمَّ إِلَيْنَا مَرْجِعُكُمْ فَنُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ 23 ٢٣

Ngunit noong pinaligtas Niya sila biglang sila ay nananampalasan sa lupa nang walang karapatan. O mga tao, ang paglabag ninyo ay laban sa mga sarili ninyo lamang, bilang natatamasa sa buhay na pangmundo. Pagkatapos tungo sa Amin ang babalikan ninyo saka magbabalita Kami sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa. (23)

Tafsīr
Ngunit noong tumugon Siya sa panalangin nila at sumagip Siya sa kanila mula sa pagsubok na iyon biglang sila ay nagtitiwali sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng kawalang-pananampalataya, mga pagsuway, at mga kasalanan. Magkamalay kayo, O mga tao. Ang masamang kahihinatnan ng pananampalasan ninyo ay laban sa mga sarili ninyo lamang sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng pananampalasan ninyo. Nagtatamasa kayo nito sa buhay na pangmundo gayong ito ay maglalaho. Pagkatapos tungo sa Amin ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Kami sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa na mga pagsuway at gaganti Kami sa inyo dahil doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba