Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 23 sa 109 • Tagalog


فَلَمَّا أَنْجَاهُمْ إِذَا هُمْ يَبْغُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ ۗ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّمَا بَغْيُكُمْ عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ ۖ مَتَاعَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ ثُمَّ إِلَيْنَا مَرْجِعُكُمْ فَنُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ 23
Pagsasalin:
Ngunit noong pinaligtas Niya sila biglang sila ay nananampalasan sa lupa nang walang karapatan. O mga tao, ang paglabag ninyo ay laban sa mga sarili ninyo lamang, bilang natatamasa sa buhay na pangmundo. Pagkatapos tungo sa Amin ang babalikan ninyo saka magbabalita Kami sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa. Yūnus 10:23
Tafsīr:
Ngunit noong tumugon Siya sa panalangin nila at sumagip Siya sa kanila mula sa pagsubok na iyon biglang sila ay nagtitiwali sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng kawalang-pananampalataya, mga pagsuway, at mga kasalanan. Magkamalay kayo, O mga tao. Ang masamang kahihinatnan ng pananampalasan ninyo ay laban sa mga sarili ninyo lamang sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng pananampalasan ninyo. Nagtatamasa kayo nito sa buhay na pangmundo gayong ito ay maglalaho. Pagkatapos tungo sa Amin ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Kami sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa na mga pagsuway at gaganti Kami sa inyo dahil doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 22 Susunod Yūnus • Talata 24