Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 24 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 24 sa 109 • Tagalog


إِنَّمَا مَثَلُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا كَمَاءٍ أَنْزَلْنَاهُ مِنَ السَّمَاءِ فَاخْتَلَطَ بِهِ نَبَاتُ الْأَرْضِ مِمَّا يَأْكُلُ النَّاسُ وَالْأَنْعَامُ حَتَّىٰ إِذَا أَخَذَتِ الْأَرْضُ زُخْرُفَهَا وَازَّيَّنَتْ وَظَنَّ أَهْلُهَا أَنَّهُمْ قَادِرُونَ عَلَيْهَا أَتَاهَا أَمْرُنَا لَيْلًا أَوْ نَهَارًا فَجَعَلْنَاهَا حَصِيدًا كَأَنْ لَمْ تَغْنَ بِالْأَمْسِ ۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ 24
Pagsasalin:
Ang paghahalintulad sa buhay na pangmundo ay gaya ng tubig lamang na pinababa Namin mula sa langit, saka humalo dito ang mga halaman ng lupa, na mula sa mga ito kumakain ang mga tao at ang mga hayupan; hanggang sa nang kumuha ang lupa ng palamuti nito, nagayakan ito, at nagpalagay ang mga naninirahan dito na sila ay mga nakakakaya rito, ay pumunta rito ang utos Namin sa gabi o maghapon saka gumawa Kami rito bilang aning para bang hindi ito lumago kahapon. Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip. Yūnus 10:24
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa buhay na pangmundo, na nagtatamasa kayo rito, kaugnay sa bilis ng pagwawakas nito ay katulad lamang ng ulan na humalo rito ang mga halaman ng lupa, na mula sa mga ito kumakain ang mga tao ng kabilang sa mga butil at mga bunga at mula sa mga ito kumakain ang mga hayupan ng kabilang sa mga damo at iba pa rito. Hanggang sa nang kumuha ang lupa ng kulay nitong namumukadkad, nagpaganda ito dahil sa pinatutubo nito na mga uri ng mga halaman, at nag-akala ang mga naninirahan dito na sila ay mga nakakakaya sa pag-ani ng anumang pinatubo nito at pagpitas dito ay dumating naman dito ang pasya Namin sa pagpapahamak rito, saka gumawa Kami rito bilang inani, na para bang ito ay hindi naging puspos ng mga punong-kahoy at mga tanim sa isang panahong kamakailan. Kung paano Kaming naglinaw sa inyo ng kalagayan ng Mundo at ng bilis ng pagwawakas nito, naglilinaw Kami ng mga patunay at mga patotoo para sa mga nag-iisip-isip at nagsasaalang-alang.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 23 Susunod Yūnus • Talata 25