Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ukol sa mga gumawa ng maganda ang pinakamaganda at isang karagdagan [na pagtingin sa mukha ni Allāh]. Walang lulukob sa mga mukha nila na mga alikabok ni isang kaabahan. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mananatili. (26)
Tafsīr
Ukol sa mga gumawa ng maganda sa pagsasagawa sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila na mga pagtalima at pag-iwan sa ipinagbawal Niya sa kanila na mga pagsuway ay ang gantimpalang pinakamaganda, ang Paraiso. May ukol din sa kanila na isang karagdagan doon: ang pagtingin sa marangal na mukha ni Allāh. Walang tatakip sa mga mukha nila na alikabok at walang tatakip sa mga ito na isang pagkahamak at isang kahihiyan. Ang mga nailalarawang iyon sa paggawa ng maganda ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mamamalagi.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: