Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 31

قُلْ مَنْ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ أَمَّنْ يَمْلِكُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَمَنْ يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَيُخْرِجُ الْمَيِّتَ مِنَ الْحَيِّ وَمَنْ يُدَبِّرُ الْأَمْرَ ۚ فَسَيَقُولُونَ اللَّهُ ۚ فَقُلْ أَفَلَا تَتَّقُونَ 31 ٣١

Sabihin mo: “Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?” Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: “Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?” (31)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kay Allāh: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa dako ng langit sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan sa inyo? Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa lupa sa pamamagitan ng tumutubo rito na mga halaman at sa pamamagitan ng nilalaman nito na mga mina? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay gaya ng tao mula sa punlay at ng ibon mula sa itlog? Sino ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay gaya ng punlay mula sa hayop at ng itlog mula sa ibon? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito na mga nilikha?" Magsasabi sila na ang tagagawa niyon sa kabuuan niyon ay si Allāh. Kaya sabihin mo sa kanila: "Kaya ba hindi kayo nakaaalam niyon at hindi kayo nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba