Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 31 sa 109 • Tagalog


قُلْ مَنْ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ أَمَّنْ يَمْلِكُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَمَنْ يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَيُخْرِجُ الْمَيِّتَ مِنَ الْحَيِّ وَمَنْ يُدَبِّرُ الْأَمْرَ ۚ فَسَيَقُولُونَ اللَّهُ ۚ فَقُلْ أَفَلَا تَتَّقُونَ 31
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?” Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: “Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?” Yūnus 10:31
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kay Allāh: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa dako ng langit sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan sa inyo? Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa lupa sa pamamagitan ng tumutubo rito na mga halaman at sa pamamagitan ng nilalaman nito na mga mina? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay gaya ng tao mula sa punlay at ng ibon mula sa itlog? Sino ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay gaya ng punlay mula sa hayop at ng itlog mula sa ibon? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito na mga nilikha?" Magsasabi sila na ang tagagawa niyon sa kabuuan niyon ay si Allāh. Kaya sabihin mo sa kanila: "Kaya ba hindi kayo nakaaalam niyon at hindi kayo nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 30 Susunod Yūnus • Talata 32