Doon susulitin ang bawat tao sa ipinauna niya. Isasauli sila kay Allāh, ang Pinagpapatangkilikan nilang totoo. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginawa-gawa. Yūnus 10:30 ⧉
Tafsīr:
Sa kalagayang mabigat na iyon ay susubukin ang bawat tao sa nagdaan na gawain sa buhay niya sa Mundo. Panunumbalikin ang mga tagapagtambal sa Panginoon nilang totoo na si Allāh na magsasagawa sa pagtutuos sa kanila. Maglalaho sa kanila ang anumang ginawa-gawa nila noon na pamamagitan ng mga anito nila.