Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 42

وَمِنْهُمْ مَنْ يَسْتَمِعُونَ إِلَيْكَ ۚ أَفَأَنْتَ تُسْمِعُ الصُّمَّ وَلَوْ كَانُوا لَا يَعْقِلُونَ 42 ٤٢

Mayroon sa kanila na mga nakikinig sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapakinig sa mga bingi kahit pa man sila ay hindi nakapag-uunawa? (42)

Tafsīr
Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag bumigkas ka ng Qur'ān, ayon sa pakikinig na hindi nakaugnay sa pagtanggap at pagpapasakop. Ngunit ikaw ba ay nakakakaya sa pagpapakinig sa sinumang inalisan ng pandinig? Kaya sa gayon hindi ka nakakakaya sa pagpapatnubay sa mga nabinging ito sa pakikinig sa katotohanan sapagkat hindi sila nakapag-uunawa nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba