Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 45

وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ كَأَنْ لَمْ يَلْبَثُوا إِلَّا سَاعَةً مِنَ النَّهَارِ يَتَعَارَفُونَ بَيْنَهُمْ ۚ قَدْ خَسِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِلِقَاءِ اللَّهِ وَمَا كَانُوا مُهْتَدِينَ 45 ٤٥

Sa araw na kakalap Siya sa kanila, para bang hindi sila namalagi maliban sa isang bahagi ng maghapon habang nagkakakilalahan sila sa gitna nila. Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagkita kay Allāh at sila dati ay hindi mga napatnunubayan. (45)

Tafsīr
Sa araw na kakalap si Allāh ang mga tao sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos sa kanila, para bang hindi sila namalagi sa buhay nila sa Mundo at sa Barzakh nila maliban sa isang bahagi ng maghapon, hindi higit pa. Nakakikilala sila sa isa't isa sa kanila roon. Pagkatapos mapuputol ang pagkakilala nila dahil sa tindi ng masasaksihan nila na mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon. Nalugi nga ang mga nagpapasinungaling sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagkabuhay. Hindi sila noon mga mananampalataya sa Mundo sa Araw ng Pagbubuhay upang maligtas sila sa kalugihan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba