Sa araw na kakalap Siya sa kanila, para bang hindi sila namalagi maliban sa isang bahagi ng maghapon habang nagkakakilalahan sila sa gitna nila. Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagkita kay Allāh at sila dati ay hindi mga napatnunubayan. Yūnus 10:45 ⧉
Tafsīr:
Sa araw na kakalap si Allāh ang mga tao sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos sa kanila, para bang hindi sila namalagi sa buhay nila sa Mundo at sa Barzakh nila maliban sa isang bahagi ng maghapon, hindi higit pa. Nakakikilala sila sa isa't isa sa kanila roon. Pagkatapos mapuputol ang pagkakilala nila dahil sa tindi ng masasaksihan nila na mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon. Nalugi nga ang mga nagpapasinungaling sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagkabuhay. Hindi sila noon mga mananampalataya sa Mundo sa Araw ng Pagbubuhay upang maligtas sila sa kalugihan.