Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 46 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 46 sa 109 • Tagalog


وَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ ثُمَّ اللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا يَفْعَلُونَ 46
Pagsasalin:
Kung magpapakita nga naman Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapayao nga naman Kami sa iyo ay tungo sa Amin ang babalikan nila. Pagkatapos si Allāh ay Saksi sa anumang ginagawa nila. Yūnus 10:46
Tafsīr:
Kung magpapakita nga naman Kami sa iyo, O Sugo, ng ilan sa ipinangako Namin sa kanila na pagdurusa bago ng kamatayan mo, o magpapayao nga naman Kami sa iyo bago niyon, sa kapwa kalagayan ay tungo sa Amin ang panunumbalik nila sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos si Allāh ay nakababatid sa anumang dati nilang ginagawa: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga gawa nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 45 Susunod Yūnus • Talata 47