Para sa bawat kalipunan ay may sugo. Kaya kapag dumating ang sugo nila ay huhusga sa pagitan nila ayon pagkamakatarungan habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan. Yūnus 10:47 ⧉
Tafsīr:
Para sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunang nauna ay may sugong isinugo sa kanila. Kaya kapag umabot sa kanila ang ipinag-utos na ipaabot at nagpasinungaling sila rito, hahatol sa pagitan nila at nito ayon sa katarungan, ngunit magliligtas dito si Allāh dahil sa kabutihang-loob Niya at magpapahamak Siya sa kanila ayon sa katarungan Niya habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan sa anuman sa ganti sa mga gawa nila.