Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa mga tao sa anuman subalit ang mga tao sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan. Yūnus 10:44 ⧉
Tafsīr:
Tunay na si Allāh ay nagpawalang-kaugnayan sa paglabag sa katarungan sa mga lingkod Niya sapagkat Siya ay hindi lumalabag sa katarungan sa kanila ng kasimbigat man ng isang maliit na langgam subalit sila ay ang lumalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa pagpapakapanatiko sa kabulaanan, pakikipagmalakihan, at pagmamatigas.