Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsala ni isang pakinabang maliban sa niloob ni Allāh. Para sa bawat kalipunan ay may taning. Kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna.” (49)
Tafsīr
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsalang ipamiminsala ko rito o ipantatanggol ko rito ni isang pakinabang na ipakikinabang ko rito, kaya papaano na sa pagpapakinabang ng iba sa akin o pamiminsala rito, maliban sa niloob ni Allāh mula roon. Kaya papaanong ukol sa akin na makaalam ako sa Lingid Niya? Para sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunang nagbanta si Allāh dito ng isang kapahamakan ay may panahong itinakda para sa kapahamakan nito, na walang nakaaalam niyon kundi si Allāh. Kaya kapag dumating ang panahon ng kapahamakan nito ay hindi mahuhuli ito ng anumang oras at hindi mauuna."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: